Wednesday, November 16, 2011

Masarap mahalin yung mga lalaking may kusa, yung lalaking handang gawin ang lahat para sayo.

Mga lalaking gagawen ang alam niyang tama para sa babaeng mahal niya. May kusang mag text araw-araw, may kusang pumunta sa bahay ni gf, may kusang mag mag hatid at sumundo kay gf, may kusang hawakan yung payong kapag mainit o umuulan, may kusang mag bayad sa jeep o sa resto na kakainan kahit maubos man ang pera, may kusang di magbago at mag pa ka consistent para sa babaeng mahal niya.

Yun bang, di kana kelangan maghain dahil nakalatag na, at ikaw nalang ang iniintay, mga lalaking may mahahabang pasensya na kahit gano kaimmature si girl, handa pa ren siyang unawain at intindihin, may kusa sa lahat ng bagay. Alam niya kase ang kaartehan ng babae, alam niya kung anong ugali meron ang babae, kaya ginagawa niya ng kusa, para walang away.

Yan ang tipo ng lalaking masarap mahalin at makasama habang buhay.

--by: http://iamanshe.tumblr.com/
Powered by Blogger.